DAHIL sa brownout nitong Miyerkules nang gabi, hindi namin napanood ang FPJ’s Ang Probinsyano, at kahapon ng umaga na lang namin nabasa ang lahat ng komento sa pagkamatay ng karakter ni Jhong Hilario, na si Homer o Alakdan, dahil matagal nang gusto ng mga sumusubaybay sa action serye ni Coco Martin na mamatay ang karakter ng It’s Showtime host.

Komento ng isang netizen: “Mabuti naman namatay na karakter ni Homer @jhongsample. Siya ang pinaka-kinaiinisan ko sa FPJ’s Ang Probinsyano... ang galing-galing mo kasi kaya buwisit na buwisit ako. Ang ganda ng sagupaan n’yo, Cardo @cocomartin143 at homer. #cardovshomer.”

Sabi naman ng isa pa, “naka-date ang pagkamatay niya (Jhong/Homer) dahil sa eleksiyon.”

Re-electionist bilang konsehal ng Makati City si Jhong, at hindi na rin siya mapapanood sa It’s Showtime. Simula kasi ngayong Biyernes ay mangangampanya na ang mga kandidato para sa local positions.

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

Iisa ang tanong ng lahat, kailan naman mamamatay si Edu Manzano bilang si Presidente Cabrera, dahil gigil na gigil na rin ang mga tagasubaybay ni Cardo Dalisay sa kanya.Kandidato naman si para kongresista ng San Juan City.

Anyway, isa pang tanong na hindi namin nasagot mula sa netizens ay kung totoong patapos na ang tatlong taon nang umeere na Ang Probinsyano, dahil isa-isa nang pinapatay ang mahahalagang karakter sa serye, tulad ni Mac Mac, na alam naman ng lahat na mahal na mahal ni Cardo ang bata.

At napansin din na ang tumatakbong kuwento ngayon ng The General’s Daughter ay nangyayari sa kasalukuyan, partikular sa isyu ng droga. Ganito rin kasi ang slant ng mga episode ng Ang Probinsyano, tina-tackle nila ang kasalukuyang problema sa Pilipinas.

“Ang The General’s Daughter po ba ang papalit sa timeslot ng Ang Probinsyano? At ‘yung Mea Culpa ang susunod kasi laging ipinapakita ang teaser,” diretsong tanong naman sa amin ng taga-GMA 7.

Ito rin ang naglalarong tanong sa aming isipan, kaya wait na lang din kami kung ano ang susunod na mangyayari.

-Reggee Bonoan