MEMPHIS, Tenn. (AP) — Hataw sina Stephen Curry at Kevin Durant sa natipang tig-28 puntos para sandigan ang Golden State Warriors sa magaaan na 118-103 panalo kontra Memphis G r i z z l i e s n i t o n g Miyerkoles (Huwebes sa Manila) para sa solong kapit sa No.1 spot sa Western Conference.
Humugot din si Curry ng 10 rebounds, habang si Durant ay may 12-of- 13 sa field. Nag-ambag si DeMarcus Cousins ng 16 puntos at siyam na rebounds para makawala ang Warriors sa tabla sa Denver Nuggets para sa top spot ng dibisyon.
Nanguna si Jonas Valanciunas sa Memphis na may 27 puntos at 13 rebounds, habang kumana si Mike Conley ng 22 puntos at walong assists. Humirit si Bruno Caboclo ng 17 puntos at 13 rebounds.
Umiskor si Durant ng pitong sunod na puntos sa dominanteng 9-0 run ng Warriors para mailayo ang iskor sa 100-92 sa kalagitnaan ng final period.
THUNDER 107, PACERS 99
Sa Oklahoma City, nagbuhos ng 31 puntos si Paul George laban sa dating koponan na Indiana Pacers para pangunahan ang panalo ng Oklahoma City Thunder.
Humugot si Steven Adams ng 25 puntos at 12 rebounds, habang tumipa si Russell Westbrook ng 17 puntos, 12 assists at 11 rebounds para sa ika-29 triple-double ngayong season.
Ratsada ang Thunder sa 24-0 run sa third quarter at hindi nakatikim na maghabol tungo sa krusyal na panalo matapos ang limang kabiguan sa huling anim na laro.
Kumana sina Bojan Bogdanovic ng 28 puntos at Domantas Sabonis na may 18 puntos at 10 rebounds para sa Pacers.
BLAZERS 118,
BULLS 98
Sa Chicago, naitala ni Set h Cur r y ang season-high 20 puntos sa dominanteng panalo ng Portland Trail Blazers kontra Chicago Bulls.
M a t a p o s a n g malagim na insidente na kinasangkutan ni Jusuf Nurkic sa double-overtime victory laban sa Brooklyn na nagsiguro para sa No.6 spot sa playoff, naging masd madali ang panalo ng Blazers sa pagkakataong ito.
Kumana si Curry, nakababatang kapatid ni Warriors star Stephen, ng apat na three-pointer, habang umiskor si Rodney Hood ng 15 puntos at kumana sina Enes Kanter at Zach Collins ng tig-13 puntos para sa ikalimang sunod na panalo ng Portland.
N a g s a l a n s a n s i Shaquille Harrison ng career high 21 puntos at 10 rebounds, habang tumipa si Robin Lopez ng 15 puntos at siyam na rebounds para sa Bulls.