Go Pilipinas Go Pep Rally, tulay sa pagkakaisa ng Phisgoc at PSC sa SEAG hosting
KUNG may nalalabi pang agam-agam sa kahandaan ng bansa sa 30th Southeast Asian Games, ibinaon na ito sa limot ng mga opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organising Committee (PHISGOC) at Philippine Sports Commission (PSC)
Sa isinahawang Pep Rally para sa atletang Pinoy na inorganisa ng Go Philippine Go, nagkatagpo at nagkakaisang nagpahayag ng kahandaan ang mga pangunahing sports officials para masiguro ang tagumpay ng SEA Games na gaganapin sa bansa – sa ikaapat ba pagkakataon – sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 11.
Maliban lamang kay Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas.
Sa harap ng mga atleta na nakiisa sa programa sa Rizal Baseball Park, hinikayat ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga atleta na magsikap at magsanay nang mabuti upang maibigay sa sambayanan ang inaasam na tagumpay.
“Nakasalalay sa inyo ang kasiyahan ng sambayanan. Suportado naming kayo at an gating mga kababayan. Ibuhos ninyo ang inyong kakayahan upang muli tayong maging kampeon,” pahayag ni Ramirez.
Nakamit ng Team Philippines ang overall championship sa 2005 SEAG na ginanap sa bansa. Nagkataon, si Ramirez rin ang chairman noon ng PSC.
Ngunit, matapos ang tagumpay, bumulusok ang kampanya ng bansa sa biennial meet kung saan nabigo ang Pinoy na makapasok sa Top 3 sa nakalipas na pitong edisyon ng pinakamalaking sports event sa rehiyon.
Kasama ni Ramirez sa pagtitipon ang buong PSC Board na binubuo nina Commissioners Ramon Farnandez, Charles Maxey, Noli Agustin at Celia Kiram.
Hindi naman nakadalo si Vargas at ilang matataas na opisyal ng POC sa hindi malamang dahilan.
“We will try work harder. We will try to get along better, we will try to get more funds,” pahayag ni Cayetano, patungkol sa malaking kabawasan sa pondo na inaprubahan ng Senado.
Tulad ni Ramirez, hiniling ni Cayetano sa mga atleta na manatiling ‘focus’ sa kanilang pagsasanay.
“It’s a humbling experience for myself, for chairman Butch, and for everyone here on stage because you the athletes continue to teach us a lot,'' ayon kay Cayetano.
“It's easy to say win as one, but there's a lot of hard work that we should put into winning as one,'' aniya.
``We have two objectives. One is we need to win the overall title and secondly, we want the 10 other countries to say na iba talaga mag-host ang pinoy,.”
-EDWIN ROLLON