Lalaking umaaksiyon, mapagmahal na ama, at mabuti at tunay na kaibigan.

BDAY_ONLINE

Ganito inilarawan ng Malacañang ang pamumuno ni Pangulong Duterte sa bansa at iba pa nitong personal na pag-uugali sa pagsapit ng kanyang ika-74 na kaarawan ngayong Marso 28.

"The President's mindset has always been about making Filipino lives better - to provide a comfortable life for all. The President is a man of action," sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nang kapanayamin ng BALITA.

Eleksyon

Ex-VP Leni, inendorso si Manny Pacquiao: ‘Siya ay mabait, mapagkakatiwalaan’

Sa halos tatlong taon niyang pamamahala, pinamunuan ni Duterte ang bansa nang may lakas, malasakit at sariling pamamaraan, ayon kay Panelo.

“The President’s leadership style has always been strong-willed and compassionate,” ani Panelo, na siya ring Chief Presidential Legal Counsel.

Ipinamalas ito ng Pangulo nang pansamantala niyang ipagbawal ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait para sa kanilang proteksiyon, tinuldukan ang tanim-bala scam sa mga paliparan, paglaya ng Marawi City sa mga terorista, at paglinis at rehabilitasyon ng Boracay at iba pang destinasyon, diin ni Panelo.

At gaya ng ibang magulang, sinusubukan ni Duterte na balansehin ang trabaho at buhay pamilya.

Inilarawan ni Penelo si Duterte na "loving father to his family."

"He always makes sure that they are safe and in good health. It is also important to the President that they have quality time together," aniya.

Maaaring siya ang pinakamakapangyarihang leader ng bans, ngunit si Duterte ay nananatiling "a good and loyal friend who has a perky sense of humor," ayon kay Panelo.

"Among the light moments we share together, which is already known to the public, is when he adores my fashion or sometimes publicly comments on my sense of style which I take in stride," aniya.

Sa sense of humor ni Duterte, sinabi ni Panelo na ang Pangulo ay may kakaibang istilo sa paglalahad ng biro, na "a mixture of humor and sincerity."

"His colorful language is his way of speaking to the people. Critics, of course, take his remarks negatively," aniya.

MATUTULOG LANG SA BAHAY

Sinabi ng Pangulo na nais lamang niyang matulog at manatili sa bahay kaysa maghanda nang magarbo para sa kanyang kaarawan.

"I really do not want to celebrate. I just want to stay at home and sleep, and if there is somebody welcome to me, it’s my children and grandchildren," aniya.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na siya ay malapit nang mag-74, pagod na at naghahanap nang paraan makalabas sa pulitika at magretiro.

"Ako matanda na. Ngayong buwan na ito mag 74 na ako. P— ina mo kasi pagod na ako sa inyo... Naghahanap lang ako talaga ng lusot na para makapagpahinga na. Pagod na rin ako kaya do not f—k with me," sinabi niya, tinutukoy ang mga kriminal at drug personalities.

-Genalyn D. Kabiling at Argyll Cyrus B. Geducos