NO problem kay Sophie Albert kung after ng Pamilya Roces, kung saan nagpatawa at nagpa-sexy siya ay seryoso naman ang role niya sa bago niyang teleserye na Bihag, na magpapa-sexy pa rin siya.

Sophie at Vin

Sa mga pagpapa-sexy ba ni Sophie sa telebisyon, kailangan pa niyang magpaalam muna sa boyfriend niya for six years na si Vin Abrenica.

“Hindi po. Pareho kaming artista at alam naming bahagi ito ng mga roles na ibinibigay sa amin. Kung may ganito naman akong eksena, meron din naman siya,” biro pa ni Sophie.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Nagkakaintindihan po kami ni Vin, kaya wala po kaming problema. Mabuti nga po na magkahiwalay kami ng network, nagagamit namin ito para mag-compare ng working relationship namin.”

Challenged si Sophie sa role niya bilang Reign, na mistress ni Brylle (Jason Abalos) sa story.

“Iyon pong role ko sa Pamilya Roces, okay lang sa akin, dahil nga nagpapatawa ako. Pero mas mahirap po palang magpa-sexy na seryoso,” sabi ni Sophie.

“Masaya po ako na binibigyan ako ng GMA ng iba’t ibang role. Bale ito po ang second project ko sa kanila after akong nag-transfer dito. Pero kapag wala po akong work, lagi naman nila akong pinagge-guest sa iba’t ibang shows ng network, naiikot ko ang ibang shows, kaya hindi rin po ako nahihinto sa pag-arte, iba-iba ang role na ginagampanan ko. Gusto ko pong mahasa sa pagiging kontrabida.”

Masaya si Sophie na kasama na niya ang parents niya sa bahay nila sa Quezon City. Ganoon pa rin pero maayos ang kalagayan ng kanyang ama na almost 19 years nang comatose.

Ang Bihag ay idinidirek ni Neal del Rosario, at pilot episode na nito sa Monday, April 1, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Inagaw Na Bituin.

-Nora V. Calderon