PANALO ang mga litrato nina Jake Vargas at Inah de Belen sa bakasyon nila sa Palawan. Sa litratong naglalakad ang dalawa na magka-holding hands at ang caption lang ni Jake ay “My love,” ay kinilig na ang shippers nila.

Jake at Inah copy

Ngayon lang daw nila nakitang open si Jake sa pagpapahayag kung gaano kaespesyal sa kanya si Inah.

Sa picture na pinost pa rin ni Jake na nakaupo lang sila ni Inah sa may dagat at yakap niya si Inah, hindi na kailangan ang caption. Sapat na ang sweetness nila sa nasabing litrato para ipakita kung gaano na kalalim ang kanilang relasyon. May nagtanong tuloy kung kailan sila ikakasal na hindi sinagot ni Jake.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May nagbiro namang para silang honeymooners sa kanilang mga litrato at dahil kita ang saya nina Jake at Inah, hindi na nila pinansin ang nakapasok na basher na nag-comment na baka magbuntis nang maaga si Inah.

Isa sa fan nina Jake at Ina ang sumagot na wala pang planong pakasal sina Jake at Inah kahit three years na ang kanilang relasyon. Bukod doon, nasa right age na si Inah, 27, kung gustuhin man nilang magpakasal.

Three years na ang relasyon nina Jake at Inah, pwede na silang magpakasal, pero sa interview sa kanya, nabanggit niyang hindi pa nila iton pinaplano. Although napag-uusapan na nila ang lumagay sa tahimik, wala pa silang konkretong plano at ‘wag natin silang madaliin.

Wala pang bagong project sa GMA-7 ang lovebirds dahil katatapos lang nila ng Ika-5 Utos. Pero si Inah ay kasama sa horror movie na Maledicto kasama si Tom Rodriguez produced ng Fox Original sa direksyon ni Mark Meily.

-Nitz Miralles