NAKITANG magkasamang dumalo sa homecoming ng College of Saint Benilde sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Graduate ng St. Benilde si Maine at si Arjo ay sa De La Salle University naman, kaya may karapatan siyang dumalo sa homecoming ng St. Benilde, dahil pag-aari ng De La Salle ang College of Saint Benilde.

Arjo, Maine at Ken Chan

Parang mahirap i-edit ang picture nina Maine at Arjo na magkasama at lalong malabo kung sabihing sumunod lang si Arjo kay Maine.

Hindi rin totoong bored si Maine at hindi nakangiti sa picture, dahil sa nakita naming video, nagtatawanan sila ni Arjo.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kasama nina Maine at Arjo sa picture si Ken Chan, na nag-aral din sa College of Saint Benilde, at naging magkaklase pa sila ni Maine.

-NITZ MIRALLES