KASUNOD ng open call ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa long feature fiction films, extended ang deadline para sa submission ng Filipino documentary projects para sa First Cut Lab Docs hanggang Marso 31, 2019.

Kasama ng First Cut Lab para sa long feature projects, ang First Cut Lab Docs ay isang international project at editing lab na nakatuon naman sa pag-develop at pagtaas ng antas ng Filipino documentaries.

Ang finalists at grantees ng SineSaysay Documentary Lab and Showcase ay magkakaroon ng pagkakataong talakayin ang kanilang ongoing projects kasama ng selected experts sa working sessions nito sa Abril 11-17.

Dalawang Filipino creative documentary projects na nasa post-production stage na may artistic ambition at high visual quality ang pipiliin ng FDCP at sasailalim sa isang intensive post-production workshop.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Ime-mentor ng international industry professionals ang mapipiling filmmakers at magbibigay ng insightful feedback para tulungan ang Lab participants na gumawa ng best version ng kanilang output.

Ilan sa mentors ang film editor, trainer, director, at festival programmer na si Benjamin Mirguet at ang film editor at DART film founder na si Natasa Damnjanovic.

-Reggee Bonoan