Tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo.
Pangungunahan ng Shell ang pagpapatupad ng panibagong oil price hike bukas, Marso 26.
Sa abiso ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas ay nagtaas ito ng P0.65 sa kada litro ng gasolina, at 10 sentimos naman sa diesel at kerosene.
Kaagad namang susunod ang PTT Philippines, Petro Gazz, at Eastern Petroleum sa pagpapatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan at epekto ng pagbabawas ng produksiyon ng ibang bansa.
Ayon sa datos ng Department of Energy, maglalaro na ang bentahan ng gasolina sa P51.20-P58.01, habang P40.20-P45.50 naman ang diesel.
-Bella Gamotea