MARAMING natuwa n a n g u n a n g mapanood ang trailer ng Nang Ngumiti ang Langit dahil si Kaye Abad ang gumaganap na nanay ng bidang batang si Sophia Reola. Mahusay naman kasing artista ang misis ni Paul Jake Castillo kaya nu’ng ikinasal na sila ay may mga nalungkot dahil hindi na nga siya mapapanood muli, dahil pangako niya sa sarili na pamilya na niya ang kanyang prioridad.

Kaye at RK (REGGEE STORY)

Pero sa mediacon ng Nang Ngumiti ang Langit ay nasabi ni Kaye na sandali lang siya sa serye, 15 taping days lang ang ginugol niya.

Kuwento ng aktres, “Before ko tanggapin ang show, sandali lang talaga kasi hindi ko pa kayang mag full time na acting kasi baby pa ‘yung anak ko, depende, kung magmu-multo ako or panaginip lang ba na namatay ako. Hindi ko pa po alam. For now, guestings lang po muna, no teleserye muna.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pagbabalik-tanaw ni Kaye, “kapag tinatanong nila ako, ‘How do you see yourself ten years from now?’ sabi ko, ‘Kapag nag-asawa na ako, hindi na ako mag-aartista. Pero noong nag-asawa ako, nagkaanak ako, nanonood ako ng TV, nakaka-miss din.

“Tinatanong ako ni Paul Jake, ‘Hindi mo nami-miss?’

Sabi ko, ‘nami-miss din, sobra. Blessing din na noong tinawag ‘to, sinabi sa akin ang istorya, sinabi sa akin ang condition. So, I think, sign ‘yun na, sige, gagawin ko.”

Kumusta naman siya bilang Mrs. Paul Jake Castillo?

“Masaya po, kuntento po ako. Hindi ko nire-regret na I left showbusiness for a while para sa family ko, so masaya po,” nakangiting sagot ng aktres.

At dahil mahaba rin ang 15 days taping ay may option ba na sa Cebu na lang kunan ang mga eksena niya?

“Nagkaroon sila ng option na ganyan. Kasi nga, alam nila na hindi ko maiwan si Joaquin.

“Nagkaroon sila ng option na baka ‘yung mga province na eksena, baka puwedeng sa Cebu na lang. Pero sabi ko, ‘Sige, uuwi ako. Ito lang ‘yung time frame, sige, gagawin ko,” kuwento ni Kaye.

Sa Cebu naka-base si Kaye kaya hindi naiwasang itanong kung nagkita sila ng dati niyang ka-loveteam sa Tabing Ilog na si John Lloyd Cruz.

“Hindi pa naman kami nagkikita. Hindi ko alam, palagi naman akong nasa labas, pero hindi ko talaga siya nakikita.

“Ang daming nagtatanong niyan, pero hindi pa talaga kami nagkikita. Baka ayaw na ng tadhana na magkita kami. Kasi, maayos na ang mga buhay namin,” nakangiting sagot ng aktres.

Oo nga, sa liit ng Cebu ay wala silang tsansang magkita bukod pa sa magkaibigan ang asawang si Paul Jake at si Ellen Adarna na kasalukuyang karelasyon ngayon ni Lloydie at ina ng kanyang anak na lalaki.

Maya-maya ay nagbiro si Kaye, “Si Sarah Geronimo na nga lang ang hinihintay namin! Chos!”

Si Sarah ay karelasyon ni Matteo Guidicelli na taga Cebu rin.

Anyway, mapapanood na ang Nang Ngumiti ang Langit sa Lunes, Marso 25 bago mag It’s Showtime mula sa RSB unit na idinidirek naman nina FM Reyes at Marinette Natividad-de Guzman.

Bukod kay Kaye ay kasama rin sina RK Bagatsing, Enzo Pineda, Matet de Leon, Pilar Pilapil, Ces Quesada, Heart Ramos, Miguel Vergara, Krystal Mejes, Cristine Reyes at Sophia Reola as Mikmik.

-REGGEE BONOAN