MINNEAPOLIS (AP) — Kaagad na nakabawi ang Golden State Warriors sa pagkabalahaw sa San Antonio.

Hataw si Stephen Curry sa naiskor na 36 puntos, tampok ang 22 sa third quarter, habang kumana si Klay Thompson ng 28 puntos para sandigan ang Warriors sa 117-107 dominasyon sa Minnesota Timberwolves nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nag-ambag si Jonas Jerebko ng 18 puntos, habang kumubra sina Kevin Durant ng 17 puntos at humirit si Draymond Green ng 10 rebounds at siyam na assists para sa Warriors (48-22), muling nakuha ang No.1 spot sa Western Conference laban sa Denver (47-22).

Nanguna si Karl-Anthony Towns sa Wolves sa naiskor na 26 puntos at 21 rebounds, habang nagsalansan si Andrew Wiggins ng 20 puntos, walong rebounds at anim na assists at tumipa si Josh Okogie ng 19 puntos sa Minnesotta na inaulan ng injuries sa mga players nilang sina Jeff Teague, Derrick Rose, Robert Covington at Luol Deng.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

ROCKETS 121, HAWKS 105

Sa Atlanta, tinapyas ng Houston Rockets, sa pangunguna nina James Harden na may 31 puntos at 10 assists, at Clint Capela na may 26 puntos at 11 rebounds, ang kuko ng Hawks para sa ikatlong sunod na panalo.

Nanguna sa Hawks sina Trae Young na may 21 puntos at 12 assists at John Collins na may 20 puntos at 10 rebounds.

Target ni Harden, ang league scoring leader, na maging unang player matapos ni Michael Jordan (1988- 89) na may average na 30 puntos, pitong assists, anim na rebounds at dalawang steals.

Kumana naman si Chris Paul, napamsa sa Elite Group nina Oscar Robertson, Magic Johnson, John Stockton at Jason Kidd na tanging player na may 17,000 career points, 9,000 assists and 4,000 rebounds, sa naiskor na 13 puntos, 11 assists, tatlong steals at isang turnover.

NETS 123, KINGS 121

Sa Sacramento, hataw si D’Angelo Russell sa natipang career-high 44 puntos, tampok ang 27 sa fourth quarter, habang naisalapk ni Rondae Hollis- Jefferson ang layup sa huling eight-tenths ng segundo para akayin ang Brooklyn Nets sa panalo konta New York Knicks.

Nanguna si De’Aaron Fox sa Sacramento (35-35) na may 27 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng Milwaukee Bucks, sa pangunguna nina Khris Middleton na may 30 puntos at Brook Lopez na may 28 puntos, ang Los Angeles Lakers, 115-101; naungusan ng Philadelphia ang Charlotte, 118-114; naisahan ng Los Angeles Clippers ang Indiana, 115-109; at tinalo ng Philadelphia 76ers ang Charlotte Hornets, 118-114.