Mojdeh, wagi ng 2 ginto; Nueva Ecija, nangibabaw sa Pencat Silat ng Batang Pinoy Luzon leg

CITY OF ILAGAN, Isabela – Sa bawat tampisaw sa swimming pool, kumikislap ang ginto sa katauhan ni Michaela Jasmine Mojdeh.

MOJDEH: Walang tigin ang kinang sa swimming pool.

MOJDEH: Walang tigil ang kinang sa swimming pool.

Muli, sentro ng atensyon ang 12-anyos internationalist sa impresibong dominasyon sa dalawang event na nilahukan sa unang araw ng kompetisyon sa swimming ng 2019 Batang Pinoy Luzon leg kahapon sa Isabela Sports Complex.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Tulad ng inaasahan, madaling nasungkit ng pambato ng Paranaque City ang gintong medalya sa dalawa sa limang events na nakahanay, habang tatlong ginto naman ang ibinulsa ni Aubrey Tom ng Cainta sa unang araw ng kompetisyon sa swimming events.

Pinagbidahan ng swimming sensation ang 200m Indiviudal Medley sa tyempong 2:34.91 at 400m IM sa oras na 5:25.11.

Mistulang napakadali ang panalo ni Mojdeh,ngunit aminado ang most bemedalled swimmer na bahagya siyang nahirapan sa kanyang pagsabak ngayong ikalawang taon sa Batang Pinoy.

“Medyo nahirapan po ako ngayon, siguro pa dahil galing din po ako sa competition sa Japan. Pero very thankful po kasi nakuha ko po yung gold sa two events,” pahayag ni Mojdeh.

Tatlong events pa ang sasabakan ni Mojdeh, reigning Palarong Pambansa ‘Most Bemedalled Athlete’ sa pagpapatuloy ng kompetisyon ngayon sa 100m butterfly, 50m butterfly at 200m butterfly event sa Huwebes.

“Pipilitin ko po na makagold po ulit. Magagaling po mga kalaban ko pero I’ll try my best po,” aniya.

PINANGUNAHAN ni PSC Commissioner Ramon Fernandez (kaliwa) ang pagbibigay ng medalya sa mga nagwaging atleta sa pencak silat kompetisyon ng Batang Pinoy Luzon leg, habang ipinamalas ng isang kalahok ang galing sa kanyang routine style. (PSC PHOTOS)

PINANGUNAHAN ni PSC Commissioner Ramon Fernandez (kaliwa) ang pagbibigay ng medalya sa mga nagwaging atleta sa pencak silat kompetisyon ng Batang Pinoy Luzon leg, habang ipinamalas ng isang kalahok ang galing sa kanyang routine style.
(PSC PHOTOS)

Samantala, hindi naman nagpahuli ang pambato ng Cainta na si Tom sa napagwagihang tatlong ginto buhat sa 200 IM ( 2:37.95), 100 freestyle 1:04.24 at 50m backstroke ( 34.20) sa girls 12- under.

“This is my first time in Batang Pinoy and I am very happy to win gold in all three events,” pahayag n g12-anyos Grade Six student ng Cainta Learning Center.

Bagama’t nakasabak na sa Palarong Pambansa, hindi naman siya pinalad na makakuha ng medalya dito, kung kaya’t sisikapin niya na makakuha ng titulo sa susunod na edisyon sa Abril.

“I’ll train hard to be in shape and try to win the gold in Palaro,” ani Tom.

Sa iba pang resulta, pitong ginto naman ang naisubi ng tropa ng San Jose Nueva Ecija sa magkakahiwalay na events ng Pencak Silat.

Nagwagi ng ginto ang mga pambatong Local Government Unit (LGU) sa Tunggal early age boys event, pre- teener girls at pre- teener boys, Ganda pre- teener boys at sa Regu pre- teenager girls, teenager girls and boys.

Aasahan naman na magiging mahigpit ang labanan sa unang araw ngayon sa athletics kung saan mag-uunahan na makasungkit ng ginto ang mga pambatong tracksters.

-Annie Abad