DINAGSA ng running at sports enthusiast ang 2019 Davao International Marathon nitong Linggo kung saan itinampok ang mga makabagong kagamitan mula sa lifestyle, gadget hanggang sports sa inilatag na Taiwan Excellence Experience Zone.
Matapos ang serye ng mga programa sa Manila, isununod ng organizers ang Davao sa hangaring mapalawak ang kaalaman ng Pinoy sa mga moderno at makabagong kagamitan na makatutulong para sa kalusugan ng sambayanan.
“For the past six years, we have built a strong and loyal following in Manila. During this time, we received an outpouring of support for our brands,” pahayag ni Tony Lin, TAITRA Deputy Director of the Strategic Marketing Department.
“This is why we have decided to broaden our reach this year and introduce much-needed innovation to more people.”
Mahigit sa 30 brand ng mga kagamitan ang nakiisa sa Excellence Experience Zone, kabilang ang gaming beast na ASUS ROG STRIX GL504 SCAR II; COMEUP’s Intelligence Dashboard Automotive Winch; bicycle company TERN’s fold-up bike Link A7, gaundina ng fitness company JOHNSON sa kanilang Horizon Citta Upright Bike.
Bukod sa sports at tech products, ibinida rin ang mga lifestyle brands tulad ng ALYA’s line ng portable filtration systems, at DEYA’s quality backpacks na gawa s amga recycled materials.
Nagsagawa rin ng Taiwan Excellence 3-on-3 Hoop Challenge, E-sports Cup sa Manila, at Taiwan Expo sa Davao.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Taiwan Excellence sawww.taiwanexcellence.org/ph.