Fil-Am athletes, markado sa pagsabak sa 30th SEA Games sa Nobyembre

ILIGAN CITY – Ibinida ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) chief Philip “Popoy” Juico na kakaibang kampanya ang hatid ng Philippine athletics team sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre kung pagbabatayan ang performance ng grupo ng Fil-heritage athletes, gayundin ng homegrown tracksters sa katatapos na 2019 Ayala-Philippine Open Athletics Championship sa Ilagan City Sports Stadioum sa Isabela.

FIL-HERITAGE! Nasa mga kamay ng mga atletang Pinoy na may lahing dayuhan ang tagumpay at kabiguan ng Team Philippines sa track and field.

FIL-HERITAGE! Nasa mga kamay ng mga atletang Pinoy na may lahing dayuhan ang tagumpay at kabiguan ng Team Philippines sa track and field.

Kumbinsido si Juico na mapapantayan hindi man malagpasan ng bagong grupo ang matikas na kampanya ng RP Team sa mga nakalipas na edisyon ng biennial meet.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi na kailangang maging ‘Nostradamus’ ang pamosong sports leader para ideklarang makakaya ng Pinoy tracksters na maisubi ang 13 gintong medalya sa Sea Games na nakatakda sa Nobyembre.

Sa pagtatapos ng Open na nagsilbi ring tryouts para sa Nationals, kabuuang 30 atleta ang kwalipikado para sa training pool.

“I’m happy with what’s going on right now,” pahayag ni Juico, patungkol sa target niyang mapantayan ang 13 gintong medalya na napagwagihan ng bansa sa 1983 Singapore SEAG.

Sa pangunguna nina record-breaker Fil-American Natalie Uy sa women’s pole vault at Ann Katherine Quitoy sa girls javelin throw, tiwala si Juico na magiging produktibo ang kampanya ng bansa at matularan ang marka ng mga nakalipas na kampanya sa SEAG sa pamumuno noon ng nagretiro na si Go Teng Kok.

JUICO: Target ang 13 gintong medalya sa SEAG.

JUICO: Target ang 13 gintong medalya sa SEAG.

“Ilang beses din naging sports association of the year ang Patafa during the time ni GTK. Hopefully, mabalik namin ito,” sambit ni Juico.

Sa kanyang unang sabak sa Open, nabura ni Uy sa naitalang 4.12meter ang 11-taong marka na 4.11meter sa women’s pole vault ni Deborah Samson, habang nalagpasan ni Quitoy sa layong 44.71meter ang 44.54meter mark sa naitala ni Rosie Villarito noong 1998.

Iginiit ni Juico na hindi pa naaabot ng mga atleta ang peak ng kanilang paghahanda sa biennial meet.

Nabigo si EJ Obiena na burahin ang sariling marka sa men’s pole vault (5.61 meters), ngunit ang naitalang 5.36meter ay sapat na para lagpasan ang SEAG mark na 5.35m na naitala ni Porranot Purahong ng Thailand sa 2017 Kuala Lumpur edition.

“We don’t expect them to go all out here because it’s still a long season,” sambit ni Juico.

Aniya, nakatakdang isabak ang mga atleta sa Singapore Open at sa Asian Athletics Championships sa susunod na buwan.

-Kristel Satumbaga