IBINUHOS n g Davao Occidental Tigers ang bangis sa huling laro sa eliminasyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa naitalang 88-82 panalo kontra Muntinlupa Cagers kamakailan sa Muntinlupa City Sports Complex.

Muling nagtala ng maningning na double-double performance si Tiger slotman Mark Yee na tumikada ng 18 puntos at 13 rebounds upang tanghaling best player of the game at akayin ang koponan sa kumbinsidong panalo at solo liderato sa south division sa kartadang 20-5.

Maagang kinontrol ng Mindanao team ni Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU na suportado ni Cocolife President Elmo Nobleza,FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan,ang laro sa pangunguna nina PBA veterans Leo Najorda at Bonbon Custodio habang bantay sarado ni big man Bogs Raymundo ang paint area upang pigilan ang paghabol ng Cagers pasimuno sina Dave Morale at Allan Mangahas partikular sa pinal na yugto.

Nagpasiklab naman ang homegrowns na sina Emman Calo at Louie Medalla upang punuan ang pagkawala ni Custodio sa maagang bahagi ng final quarter para sa kumbinsidong panalo ng Davao Cocolife patungong playoff stage ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Magandang baon ito para sa playoff.Triple time dapat sa next stage and stay focus dahil balewala na dito ang topspot namin sa elimination,” pahayag ni team deputy manager Ray Alao.