MAY short answer si Phillip Salvador sa mga sinabi ni Kris Aquino laban sa kanya, gaya ng panggagamit kaugnay ng kontrobersiyal na skit nila ng senatoriable na si Bong Go sa isang campaign rally.

Philip Salvador

Sa Instagram Live ni Kris upang sagutin ang isyu, may mga naibulgar siyang noon lang nalaman ng publiko.

Isa na rito ang may kinalaman sa anak nilang si Joshua, gaya ng hindi pagbibigay ni Phillip ng financial support sa kanilang anak, at ang hindi pag-e-effort ng dating aktor na makita man lang ang anak.

Enrique Gil, tinabangan na nga ba dahil di tumabo sa takilya comeback movie?

Na-interview si Phillip sa campaign rally ni Bong Go, at inilabas ng ABS-CBN ang maikling statement ni Phillip.

“She’s still the mother of my son. I respect her and I will always respect her for the rest of my life. That is my statement,” sabi ni Phillip.

As of today, hindi pa rin nakikipag-ugnayan si Phillip kay Kris, kaya may hanging issue pa sa kanilang dalawa. Nag-sorry naman na si Bong Go sa insidente

-NITZ MIRALLES