IPINAKILALA na sa media ang 21 kandidata para sa Ms. Caloocan 2019 na gaganapin sa Caloocan Sports Complex bukas, ganap na 7:00 ng gabi.

Mga kandidata sa Ms. Caloocan 2019

Pawang beauty and brains ang mga kandidata dahil ‘yung iba ay tapos na at iba nama’y kasalukuyang nag-aaral at magaganda ang kurso.

Sa anim na taong panunungkulan ni Mayor Oca Malapitan sa Caloocan City ay limang taon na niyang ginagawa ang event katuwang ang anak na si Ms. Katherine M. Mendoza na chairwoman ng Caloocan.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Sixty-seven years na pong running but under the leadership ni mayor, pang 5th year,” saad ni Ms. Katherine nang makatsikahan namin sa ginanap na media presentation sa bagong building ng Caloocan City Hall.

Ang mga obligasyon ng mananalong Ms. Caloocan 2019 ay, “ipinadadala namin sa national pageant like for example sa Miss Earth kapag sumusulat sa amin, sila ‘yung official representative namin. Other than that, dito naman sa local kapag may mga dumarating kaming visitors or guest like mga senators or from supreme court, sila ‘yung humaharap as welcoming committee, tumutulong din as host. Sa mga project ng tourism office kapag may mga kailangan, tumutulong silang mag-promote.”

Maraming Ms. Caloocan winners na ang napasama sa top 4 sa mga major beauty contest ngunit wala pang nakapag-uuwi ng korona.

Ang mananalong Ms. Caloocan 2019 ay tatanggap ng P100,000 at sash; 1st runner-up – P50,000 2nd runner-up – P40,000; 3rd runner-up -P30,0000 at lahat naman ng hindi mananalo may tig-P10,000.

Sa press presentation ay pinarangalan na si candidate #5 Regina Perez bilang Darling of the Press.

Si Jojie Simpaoco na taga-Caloocan din ang official make-up artist at ang beauty queen designer na si Bea Bianca ang magbibihis sa 21 kandidata.

Anyway, ang mga past winner ng Ms. Caloocan na pumasok sa showbiz ay sina Aubrey Miles at Angel Locsin.

-REGGEE BONOAN