Kinumpirma ngayong Huwebes ni U.S. President Donald Trump na umayaw siya sa nuclear deal sa ikalawang summit nila ng North Korean leader na si Kim Jong Un dahil sa hindi umano makatuwiran ang mga demands ng North Korean leader upang bawiin ang mga U.S.-led sanctions sa bansa nito.

GALIT-GALIT NA NAMAN? Sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Hanoi, Vietnam. (REUTERS)

GALIT-GALIT NA NAMAN? Sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Hanoi, Vietnam. (REUTERS)

Una nang kapwa nagpahayag ng kumpiyansa sina Trump at Kim na positibo ang kahihinatnan ng bumubuting ugnayan ng Amerika at North Korea, partikular sa pangunahing usapin ng denuclearisation, kaugnay ng summit nila sa Hanoi, Vietnam, ang ikalawa sa loob ng walong buwan.

“It was all about the sanctions,” sinabi ni Trump sa isang news conference makaraang biglang matigil ang dayalogo. “Basically they wanted the sanctions lifted in their entirety, and we couldn’t do that.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Matatandaang nagpatupad ng sanctions ang United Nations at Amerika laban sa North Korea makaraang maglunsad ang huli ng serye ng nuclear at ballistic missile tests noong 2017, na nagbunsod upang mawala ang pangunahing pinagkukuhanan ng pondo ng North Korea.

Kapwa nilisan nina Trump at Kim ang venue ng summit, ang French-colonial-era na Metropole hotel, nang hindi sinipit ang nakatakda nilang pagsasalo sa tanghalian, at kapwa nagsibalik sa kanilang hotel.

“Sometimes you have to walk, and this was just one of those times,” sabi ni Trump, idinagdag na “it was a friendly walk”.

-Reuters