MULING nakakuha ng pagkakataon si one-time world title challenger Jonas Sultan sa kanyang pagsabak laban kay WBO Africa, IBO International at South African super flyweight champion Athenkozi Dumezweni para sa bakanteng WBC Silver junior bantamweight belt sa Abril 28 sa pamosong Orient Theatre sa East London, South Africa.

Nakabalik sa eksena si Sultan nang talunin sa puntos si dating OPBF at world rated Ardin Diale nitong Nobyembre 24 sa Barangay Mabolo, Cebu City anim na buwan makaraang mabigong matamo ang IBF super flyweight title sa kababayang si Jerwin Ancajas sa sagupaan sa Save More Center, Fresno, California sa Estados Unidos.

Mabigat na karibal si Dumezweni na galing sa tatlong panalo pawang sa stoppages, pinakahuli kay one-time world title challenger at WBA Intercontinental super flyweight champion Ulises Lara ng Mexico nitong Disyembre 7 sa Orient Theatre rin sa East London.

May rekord si Dumezweni na 11 panalo, 2 talo na may 8 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Sultan na may kartadang 15 panalo, 4 na talo na may may 9 pagwawagi sa knockouts at nakalista No. 15 sa WBC super flyweight rankings.

-Gilbert Espeña

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics