SA isang huntahan, naalala ni Jobert Austria ang minsa’y naisipan niyang pagpapatiwakal dahil sa matinding depression, noong 2014.

Jobert

Wake-up call daw ito para kay Jobert.

“Doon ko natutunan ang kahalagahan nang mabuhay ulit, na maging masaya muli sa buhay,”sabi ng komedyanteng bida ngayon sa pelikulang Familia Blondina.

Tsika at Intriga

'Nanganak na nang nanganak!' Jowa ni Hajji, nag-sorry dahil sa nakakaintrigang post

“Kung hindi nangyari sa akin ‘yun, hindi ako aabot dito. Kung hindi nangyari sa akin ‘yon, hindi ko mare-realize na meron pa palang buhay pagkatapos nun,” sabi ni Jobert.

Saludo kami sa komedyante nang aminin niyang dati siyang gumagamit ng droga.

“Kaya proud ako, kasi maganda naman ‘yung nangyaring incident na ‘yun, hindi na ako bumalik (sa droga). Kahit kailan,” nakangiti niyang kuwento.

Dahil sa kanyang pinagdaanan, mas natuto na raw si Jobert na harapin ang mga problema.

“Ako mas magaling akong magpatawa ‘pag may problema ako, eh. Totoo ‘yon. Lalo na mag-isa lang ako ngayon sa Pilipinas, eh,” aniya.

Nabanggit din ni Jobert na meron siyang girlfriend, na ngayo’y nasa Canada. Tanging kasa-kasama ni Jobert dito sa bansa ang anak niyang si Myron. Ibinahagi ni Kuya Jobert na ginagamit niya ang kanyang humor whenever he feels extremely sad.

“Kapag depressed ako, wala akong ibang ginagawa kundi magpatawa lang nang magpatawa. Feeling ko ‘yung lungkot ko, ‘pag nakikita ko ‘yung mga tao na tumatawa, yun na ako,” sabi niya.

Sa Familia Blondina, magiging asawa niya si Momshie Karla Estrada.

“First time kong maging leading man,” sabi ni Jobert, sabay tawa.

Showing na ngayong February 27 ang Familia Blondina, na tinatampukan din nina Kira Balinger, Marco Gallo, Chantal Videla, Heaven Peralejo, at Awra Briguela, directed by Jerry Lopez Sineneng.

-Ador V. Saluta