ANG dating pangarap lamang halos apat na taon na ang nakakaraan ay ganap ng katotohanan para kay Thirdy Ravena.

Sa kanyang social media account, tahasang ipinahayag ni Ravena ang kagustuhang makapaglaro para sa Team Philippines sa international basketball stage.

“What a great honor to play for the country in the #FIBA2019 games. #DreamLang,” sambit ni Ravena sa kanyang Tweet.

At ngayon, magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng 6-foot-3 swingman.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang 2-time UAAP champion, at back-to-back Finals MVP ay kasamang sasabak ng Gilas Pilipinas sa pagharap nila sa koponan ng Qatar sa 6th window ng FIBA World Cup 2019 Asian Qualifiers na idaraos sa Doha.

“It was all a dream. Four years ago I was just a young kid watching my kuyas play in the FIBA 2015 World Championships. Who knew that this would happen?” ayon sa post ni Ravena pagkaraang ihayag ni national coach Yeng Guiao ang final 12 line-up para sa laban niña kontra Qatar sa Martes.

Kasama ni Ravena na sasalang kontra Qatar sina Andray Blatche, Mark Barroca, Paul Lee, Poy Erram, Scottie Thompson, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Troy Rosario, Gabe Norwood, at Jayson Castro.

Kailangan ng koponan na maipanalo ang huling dalawang laban sa 6th window para sa tsansang mag-qualify.

-Marivic Awitan