MATUTULOY na rin sa wakas ang IBF bantamweight title eliminator bout nina No. 3 contender Kenny Demecillo at No. 4 ranked Michael Dasmarinas para sa karapatang hamunin ang kampeong si Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico.

Maghaharap sina Demecillo at Dasmarinas sa utos ng IBF para sa karapatang hamunin ang walang talong si Rodriguez na nakatakdang kumasa kay undefeated Naoya Inoue ng Japan sa Mayo 18 sa Glasgow, Poland para sa semifinals ng World Boxing Super Series na kalahok din ang Pilipinong si WBA bantamweight champion Nonito Donaire, Jr.

Galing si Demecillo sa impresibong panalo via 5th round knockout kay dating WBC International Silver bantamweight titlist Russian Vyacheslav Mirzaev sa Anapa, Russia at iniutos ng IBF na harapin niya sa ex-IBF bantamweight champion Paul Butler sa IBF eliminator bout ngunit tumangging lumaban ang Briton sa Pilipinas.

Galing naman si Dasmarinas sa malupit na 10-round split draw kay Ghanaian Manyo Plange noong nakaraang Setyembre 29 sa Marina Bay Sands Hotel sa Singapore kaya inaasahang babawian niya si Demecillo.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

May rekord si Demecillo na 14-4-2 na may 8 pagwawagi sa knockouts samantalang may kartada si Dasmarinas na kasalukuyang IBO bantamweight titlist na 28-2-1 na may 19 panalo sa knockouts.

-Gilbert Espeña