Tatlong Pilipinong call center employees ang hinatulan ng Hong Kong court ng limang buwang pagkakabilanggo matapos ang kanilang “free Hong Kong tour” na nauwi sa scam, nang magbukas sila ng mga bank account gamit ang mga pekeng dokumento.

HK copy

Ito ang kinumpirma ngayong Huwebes ng Department of Foreign Affairs (DFA), matapos matanggap ang ulat mula kay Consul General Antonio A. Morales, ng Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong.

Ayon kay Morales, inaayudahan na nila ang tatlong hindi pinangalanang Pinoy, sa pamamamagitan ng pagbibigay ng suporta at legal advice, at binibisita sa kulungan upang masiguro ang kanilang kondisyon.

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao de Oro

Aniya, inaasahang makalalaya sa Marso ang tatlong Pinoy matapos mapagsilbihan ang napababang sentensiya nang maghain sila ng guilty plea sa dalawang bilang ng paggamit sa fake instrument sa Eastern Magistrates’ Courts.

Nabatid na Oktubre 2018 nang nagtungo sa Hong Kong ang tatlong Pinoy gamit ang mga pinekeng dokumento, at nagbukas ng bank accounts sa Bank of China at Standard Chartered Bank, na pinaghinalaan ng mga awtoridad na gagamitin ng mga suspek sa money laundering.

Kahit nakapagbukas ng bank accounts, nagduda pa rin ang mga opisyal ng bangko at ipinaaresto ang tatlong Pinoy nang bumalik sila sa Bank of China noong Oktubre 12.

-Bella Gamotea