AMINADO ang tinaguriang Bad Boy of Philippine movies na si Robin Padilla na may takot siya para sa asawang si Mariel Rodriguez.

Mariel at Robin

“Takot akong dulutan siya ng sama ng loob, at ayokong lumipas ang isang araw na hindi ko siya nilalambing. At gusto ko rin na maligaya siya sa kanyang ginagawa kaya allowed her to appear sa It’s Showtime,” sabi ni Robin.

Bago sila nagpakasal, they laid their cards on the table. Walang inilihim si Robin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kaso ni Mariel, isang kondisyon lang ang hiniling niya kay Robin: “I told him na ako lang at walang ibang babae siyang mamahalin.”

After eight years of marriage ay walang dudang natagpuan na ni Mariel ang Mr. Right sa kanyang buhay and she couldn’t ask for more.

-REMY UMEREZ