DAHIL nakita ng party-list na GUTOM, na isinusulong ni Direk Jigz Recto sa kanyang latest film na Tawid-gutom under Cinema Directo, ang mga advocacies tulad ng matinong pasahod, tamang pagkain, pabahay, pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga senior citizens at marami pang family values, sinabi ng prime nominee nitong si G. Rex Villegas na handa silang suportahan ang pelikula para mapanood ng marami nating kababayan. Gusto niyang maging aware ang mga Pilipino sa maraming problema ng ating lipunan, na madali lang namang maso-solve kung lahat ay magtutulungan.

Sang-ayon din dito ang kanyang co-nominees na sina Regina Africa-Sy at Chris Frias. GUTOM stands for Gawing Una ang Tagumpay ng Ordinaryong Mamamayan. Taong 2016 pa ito naitatag at sa maiksing panahong ito at sa kabila ng kanilang limitadong resources, tahimik na gumagawa ng maraming proyekto ang grupo, tulad ng feeding programs, livelihood at income generation, at medical and dental missions sa iba’t ibang lugar.

Ayon pa kay G. Rex Villegas, marami pa silang magagandang proyekto para maging katuwang ng kahit ano pang administrasyon, dahil una nga sa kanila ang taumbayan, kaya ang pagtulong nila goes beyond politics.

Naidaing din pala ni Direk Jigz sa grupo ang mga problemang hinakaharap ng mga taga-showbiz. Bagamat negosyante at hindi taga-showbiz sina G. Rex, nakita nila ang kahalagahan ng entertainment industry sa pagpapalaganap ng positive values at messages sa lahat, kaya willing din silang pag-aralan ang mundong ito at kung papano sila makakatulong.

Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

Hopefully, si Direk Jigz ang magiging tagapag-ugnay ng mga taga- industriya dito at itong Tawid-gutom nga ang maaaring maging unang hakbang sa ganitong ugnayan.

Incidentally, malapit nang ipalabas ang nasabing pelikula. Katunayan may mga naka-schedule nang special screening sa iba’t ibang cities and provinces.

Tampok sa pelikula sina Lili Montelibano, Carlo Mendoza, Bamboo Bobadilla, with special performances ng charity diva na si Ms. Token Lizares, nina Liz Alindogan, Jao Mapa, Mystica, Xander Ford, Zyrus Imperial, at ang mga comebacking stars na sina Kristel Romero at Susan Henson.

Tawid-gutom is written and directed by Direk Jigz Recto.

-MERCY LEJARDE