HINDI pala boto ang kampo ng TV host/actress turned beauty queen sa kanyang boyfriend, dahil feeling nila ay ginagamit lang siya since wala namang ganap sa buhay ang guy.

In fairness, kilala rin naman si boyfriend sa kanyang napiling propesyon. ‘Yun nga lang, hindi naman siya ganu’n ka-busy, at wala ring alam ang kampo ng TV host/actress turned beauty queen kung may iba itong pinagkakakitaan.

Busy as a bee kasi itong si TV host/actress turned beauty queen dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, kaya worried ang kampo niya na baka umasa lang sa kanya ang boyfriend na guwapo naman, in fairness.

“Kaso hindi ka naman mapapakain ng guwapo lang, Reggee. Ang kaguwapuhan nawawala pagtanda. Dapat financially stable ka,” sabi sa amin ng kampo ng dalaga.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Pero sa pagkakaalam namin ay may kaya naman ang boyfriend ni TV host/actress turned beauty queen, at sa katunayan ay sa mamahaling subdivision siya nakatira at nakikita ng mga kapitbahay na madalas umuwi roon ang girl.

Well, ganu’n talaga. Love is blind. Saka uso naman na ngayon na girl ang mas busy kaysa karelasyon nila.

-Reggee Bonoan