Ramirez, makikialam na sa paghahanda sa SEA Games

TAGUM CITY -- Aminado si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na gahol na sa oras ang preparasyon para sa hosting ng Southeast Asian Games (SEAG).

RAMIREZ: Kailangan ng kumilos.

RAMIREZ: Kailangan ng
kumilos.

Nakatakda ang biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 12.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bunsod nito, iginiit ni Ramirez ang pangangailangan para sa kongretong hakbangin at sapat na ugnayan sa mga opisyal at miyembro ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

“We still have 10 months to go. We have to talk seriously about the preparations. Short na tayo sa panahon, what we need is constant communication,” pahayag ng PSC chief sa tila pagpaparamdam sa kakulangan ng tamang ugnayan sa Philippine Olympic Committee (POC) at PHISGOG.

Bilang PSC chairman, si Ramirez ang co-chairman ni POC president Ricky Vargas sa PHISGOC. Ngunit, bukas na libro ang malamyang ugnayan ng magkabilang panig, higit at naging aktibo ang pamahalaan sa paghahabol sa mga ‘unliquidated cash advances’ ng POC at miyembrong National Sports Association (NSA).

Limitado naman ang panahon ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Peter Cayetano na tumatakbo bilang Congressman sa lungsod ng Taguig.

“We need to communicate and have trust and believe in each other. Parang mag-asawa ‘yan eh. Kailangan laging bukas ang komunikasyon at may tiwala sa isa’t isa,” pahayag ni Ramirez.

Nilinaw naman ni Ramirez na wala siyang masamang tinapay sa iba pang miyembro ng PHISGOC sa ngayon, bagama’t may mga bagay na kailangan nilang pag-usapan lalo pa ngayon na malapit nang lumabas ang budget na P7.5 bilyong piso para sa operation ng hosting ng biennial meet.

“Kailangan kong magsalita dito, kasi sa amin mangagaling ang budget. So what we really need is to communicate talaga. We are hoping for the Senate and Congress to approve the budget so by March hopefully nasa kamay na namin ang budget and we will have a meeting with COA to give us guidance on how to disburse and procure on the budget,’ ayon pa kay Ramirez.

Napabalitang wala pang klarong sistema hingil sa disbursement ng naturang budget, ngunit maraming na reimbursement ang nakabinbin sa PSC.

-ANNIE ABAD