Nanatiling positibo si Jomary Torres matapos matalo sa back-to-back na laban sa ONE Championship at ngayon ay nagkaroon siya ng pagkakataon upang makabawi.

Makakaharap niya si Lin Heqin ng China sa undercard ng ONE: REIGN OF VALOR na gaganapin sa Thuwanna Indoor Stadium, Yangon, Myanmar sa Marso 8.

Ang 22 anyos na tiga Zambales City ay nagsimula sa kanyang career na may tatlong sunod sunod na panalo pero nahirapan rin matapos matalo sa huling dalawang laban.

“It has not been easy, especially after losing my last two bouts, but I am not giving up,” sabi ni Torres. “I want to make sure that I get back and regain my momentum.”

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

“I am motivated to show everyone the Jomary Torres of old. I know Lin Heqin is a great athlete, and I can’t wait to share the cage with her and prove that I belong there.”

Ang women’s atomweight battle ay ang saktong undercard para sa ONE Welterweight World Title clash sa main event nang gabing iyon.

Si Zebaztian Kadestam naman ay may mabigat na tungkulin sa pagdepensa ng kanyang World Title laban kay Georgiy Kichigin.