PARANG nagpapatintero ang ilang artista ngayon; may umaalis at may lumilipat sa ibang network.

Derek

Ilang Kapamilya stars na ang nag-ober da bakod sa Siyete, at ang pinakahuli ay si Derek Ramsay.

Sa totoo lang, nalakbay na ni Derek ang lahat ng big stations. Mula sa Dos ay pumirma ang hunk actor sa Singko, kung saan nananatili siyang loyal. Ang siste, bigo ang TV 5 na isalba ang entertainment department nito.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

May agam-agam ang marami kung ano ang kapalarang naghihintay kay Derek bilang isang Kapuso. Ang ilan sa nagsilipat sa GMA 7 ay naging frozen delight, o nag-freeze ang career.

Harinawa ay kabaligtaran ang mangyari kay Derek, at maihanay siya ng network sa mga A-list actors nito, na kinabibilangan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

-Remy Umerez