ILAN lang sa ating celebrities ang gaya ni Beauty Gonzales na naniniwalang good or bad publicity is still publicity. Huwag nga lang below-the-belt at too personal. Well, kung hindi naman totoo ang puna, bakit nga ba siya magagalit?

Beauty copy

Last month, napadalas ang pagpo-post ni Beauty sa Instagram ng mga litrato niyang naka-bikini at swimsuit, na naging dahilan para punahin siya at ulanin ng mga batikos sa IG.

Sa presscon ng Bato: The General Dela Rosa Story, hiningan siya ng pahayag tungkol sa mga bashers.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Well, I eat bashers for breakfast. I eat them for lunch. Puwede rin for dinner,” kuwela niyang sagot. “And nakakapayat siya, minsan nakakataba.

“Sa totoo lang, good and bad publicity, is still publicity. At least, pinapansin ka kaysa hindi ka pinapansin. I mean, we’re in showbiz, ‘di ba?

Kailangan may nangyayari sa ‘yo. Okay lang. Dedma. It’s not true naman, eh.”

Katwiran pa ng Cebuana actress, habang bata siya at may ipakikitang kaseksihan, she should flaunt it!

“Oo naman, kasi hindi naman ito magtatagal. Forty [years old], makunat na ‘yan lahat,” natatawa niyang sagot. “So, if kaya ko ipakita right now, why not? Hindi naman sa pagmamayabang.”

Inamin ni Beauty na naranasan niyang maging mataba noon, kaya naman ipinagmamalaki niya ngayon ang katawang pinaghirapan niya.

“Dati kasi akong mataba. ‘Tapos pumayat. Gusto ko ipakita katawan ko. Pinaghirapan ko ito, eh. Eh ‘di kung sa iba pagmamayabang ‘yun, sorry… sorry kayo.

“Eh sa akin, I’m just being proud na I’ve achieved this body and I’ve worked hard for it, and I want to inspire other people too. Kasi I’ve been a very fat kid and for the longest time, ang daming roles na hindi napunta sa akin because I was fat.

“And now, gusto kong ipakita, I’m ready. I’m here, I’m ready for any role. Sorry, ganda ng katawan ko. Pasensiya na,” nakakaaliw na pahayag ng aktres.

Nais lang ng Kapamilya actress na may mga babaeng ma-inspire sa kanyang transition, na mula mataba ay naglaan ng panahon para maging sexy.

“Siyempre, ‘yun naman ang purpose ko, eh. Kung marunong lang akong mag-vlog, I would love to share my secrets on how I lost my weight. Kasi, basically, it’s not about losing the weight. It’s all about taking care of yourself and feeling good about the way you look.”

Iginiit ni Beauty na ang purpose ng kanyang posts ay para maka-inspire siya ng ibang babae, na kaya ring mga ito na magkaroon ng magandang katawan tulad niya.

Kaya nga fit for the role siya bilang asawa ni retired Gen. Roland “Bato” Dela Rosa, na ginagampanan naman ni Robin Padilla. Ayon kay Beauty, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na naging leading lady siya sa pelikula.

Kadalasan daw kasi ay puro supporting roles ang nakukuha niya.

“Thankful ako, lahat ng hard work may naibubunga rin pala. Totoo ‘yung sinasabi ni Bato na don’t stop dreaming, just work hard, and prayers talaga.

“I’m still floating right now kasi talagang from Kadenang Ginto, ‘yung show namin, ang taas ng ratings, and to this movie… I’m sure this movie will do well. I’m just taking it one step at a time,” pahayag ni Beauty.

-Ador V. Saluta