MELBOURNE, Australia (AP) — Kakaiba ang gilas ni Novak Djokovic na hindi nagawang sabayan ni Rafael Nadal.
Dominante si Djokovic sa harap nang isa sa pinakamahusay na player sa kanilang henerasyon tungo sa 6-3, 6-2, 6-3 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila) para makamit ang record 7th Australian Openchampionship at ikatlong sunod na Grand Slam title para sa kabuuang 15.
“Under the circumstances, it was truly a perfect match,” pahayag ni Djokovic.
Tunay na walang sasalungat sa kanyang pahayag.
“I would describe it as dominance,” pahayag ng coach ni Djokovic na si Marian Vajda.
“An amazing level of tennis,” giit ni Nadal.
“Unbelievable,” ayon sa coach ni Nadal na si Carlos Moya. “Novak probably could have won, no matter who the opponent was.”
Naitala ni Djokovic ang 34 winners at may siyam lamang na unforced errors.
“When the player did almost everything better than you, you can’t complain much,” pahayag ni Nadal, kasalukuyang world No,2-ranked.
Nadugtungan ni Djokovic ang tagumpay sa Melbourne noong 2008, 2011, 2012, 2013, 2015 at 2016, gayundin ang apat na titulo sa Wimbledon, tatlong U.S. Open at isang French Open.
Nakaalpas siya sa pagtabla kina Roger Federer at Roy Emerson para sa pinakamaraming Australian Open men’s titles, gayundin sa idolo niyang si Pete Sampras, para sa ikatlong pinakamaraming Grand Slam trophies. Hinahabol ni Djokovic sina Federer (20) at Nadal (18).