KUMALAT nitong Huwebes nang tanghali na binawi ni Arjo Atayde ang sinabi niyang “exclusively dating” sila ni Maine Mendoza sa panayam daw niya kay Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda.

Arjo copy

Kaagad itong pinabulaanan ng aktor dahil hindi raw siya nai-interview ni Ka Tunying at higit sa lahat, “nasa bahay lang po ako tita, medyo may sakit,” sabi sa amin.

Nabanggit ni Arjo na, “Imbento ‘yan, bakit ko babawiin? Maya maya date kami, ‘yan ba ang bawi?”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Totoo nga, dahil kinagabihan ay namataan sina Arjo at Maine na naglalakad sa Powerplant Mall Rockwell Center at sa katunayan ay may mga nagpa-picture pa sa kanila.

Pero kahit na umamin na at marami nang pruwebang sina Arjo at Maine na, ay hindi pa rin ito tinatanggap ng ibang Aldub fan dahil hindi raw totoo at kesyo si Alden Richards pa rin ang nasa puso ng dalaga.

Marami pang masasakit na salitang binabato kay Arjo, kasama na ang buong pamilya nito, mula sa mga supporter ng Aldub.

Ano kaya ang napapala nila sa pang-aaway? Kumikita ba sila sa ginagawa nila o sadyang makitid ang mga utak ng mga hindi makaintinding walang relasyon sina Maine at Alden at ni misan ay hindi naging sila?

Anyway, naaliw kami sa ibang Aldub supporters dahil pinaniniwalaan nila ang mga kuwentong binuo nila sa isipan nila.

Mabuti na lang at may mga nababasa kaming komento na tanggap na nila ang tunay na estado ngayon nina Alden at Maine.

Mula kay anonymous, “Maine can date whoever she wants. Arjo can date whoever he wants. Alden can date whoever he wants. Let these people live.

“Ako, I’m an AlDub fan but I’m happy for Maine especially that she found someone who is proud of her and is willing to go through all the struggles to be with her. And yes, you don’t need to announce in socmed para masabi na proud ka. Proud din ‘yung nagde-date kayo in public and you introduce your girl to people who matter in your life. Ok end hanash ha ha.”

May isa pang nag-post, “bakit di daw sila magka-holding hands tsaka nu’ng Thurs pa ‘yan bakit ngayon lang daw pinost?”

“Whahaha, hoy mga delulu buti nga ‘yan 2 days lang bago pinost kayo nga puro mga throwback year 2015 na lang ang pinopost mga resibo nyo peke pa,” sagutan sa socmed.

Hayan, mismong mga kapwa Aldub supporters na rin ang bumabasag sa ilusyon ng ibang kasamahan nila.

-Reggee Bonoan