IBINUHOS ng bisitang Davao Occidental Cocolife Tigers ang bangis kontra host Marikina Shoemasters,80-68, sa ikalawang yugto ng eliminasyon sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup na idinaos sa Marist School Gym nitong nakaraang weekend sa Marikina City.

Nagsanib-puwersa ang Tigers ni team owner Claudine Bautista na ayudante nina Cocolife president Elmo Nobleza,FVP Josepb Ronquillo at AVP Rowena Asnan,sa pangunguna nina PBA veteran Leo Najorda,Mark Yee,Billy Robles at Bonbon Custodion upang kontrolin ang laro sa first half pa lamang.

Nagsagawa ng rally ang Marikina sa pangunguna ni ex-pro Jondan Salvador pero agad itong nasupil ng depansa sa paint ni bigman Bogs Raymundo at Davao homegrowns Emman Calo at Joseph Terso tungo sa pagtala ng ika-16 na panalo sa 20 na laro at humigpit ang hawak sa liderato sa South division ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

“Our one point loss to GenSan motivated us to go all out in this game .My teammates responded very well,” pahayag ni Najorda.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!