SA rami ng sinalihang acting, singing, at modeling workshops ng showbiz newbie na si Bamboo B., at long last and just last week ay nabigyan na siya ng major breakthrough sa pelikula ni Direk Jigz Recto, na may titulong Tawid Gutom, bilang isa sa mga apo ng tinaguriang Charity Diva na si Token Lizares.

Ang tunay na pangalan ni Bamboo ay Shahararei Paynor Bobadilla na kay hirap bigkasin at tandaan, kaya binigyan siya ni Yours Truly ng screen name na Bamboo B. para madaling matandaan.

Edad 12 pa lang ngayon itong si Bamboo B. pero hangad na niya agad na maging isang teenager para raw madali siyang mabigyan ng role sa pelikula man o teleserye, with matching ka-love team na on the side.

Kasi nga naman nasa awkward age pa siya sa ngayon at mahirap siyang mabigyan ng role kahit na nag-workshop na siya sa Star Magic, sa workshop ni Ogie Diaz , sa Jams Artist Productions, at sa workshop nina Direk Jigs Recto at Benjie Alipio.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

Hindi lang sa mga workshops aktibo itong si Bamboo B. kundi pati sa volleyball sa kanilang eskuwelahan. ‘Yon nga lang, bago natapos ang taong 2018 ay ‘di sinasadyang naaksidente siya sa kanilang volleyball game. ‘Di sinasadyang napatid siya ng isa niyang co-volleyball mate, tinamaan nang matindi ang kanyang right ankle, nadurog nang husto ang buto at kinailangan siyang operahan para lagyan ng bakal ang kaliwa niyang paa.

Pagkatapos ng operasyon ay kinailangan niyang gumamit ng saklay para makalakad ng naunti-unti.

But lo and behold! Matapos niyang maaksidente at mapilay, suwerte namang nagkapelikula siya sa unang buwan pa lang ng taong 2019. ‘Yun nga, kinuha siya ni Direk Jigs para gumanap sa role ng isang pulubing pilay na nakasaklay lagi.

“Naaksidente po kasi ako sa isang house demolition kaya pilay ang role ko dito sa Tawid Gutom. Masama po ang loob ko sa aking tatay dito na iniwan kami kaya naranasan namin ng nanay at dalawang kapatid ko dito ang maghirap sa buhay,” kuwento ni Bamboo B..

Sabi pa ni Bamboo B., very cooperative naman daw sa kanya ang co-stars niya sa Tawid Gutom na sina Token Lizares, Liz Alindogan, Zander Ford, Mystica, Zyrus Imperial at marami pang iba. Lalong-lalo na raw ng direktor nilang si Jigs na siya ring sumulat ng istorya ng nasabing pelikula. Ang playdate nito ay sa Marso na.

O, siya, welcome to movie world, Bamboo B. at ingat lagi sa mga sinasalihan mong sports game lalo na sa basketball at volleyball, okidoki? ‘Yon lang and may God bless and protect you always para boom, patok ang showbiz career mo this Year of the Earth pig at sa mga susunod pang mga taon.

-MERCY LEJARDE