IMBES na sagutin ni Kris Aquino si Gretchen Barretto sa patutsada nito sa social media tungkol sa umano’y ‘di pagbabayad ng tamang tax ng babaeng negosyante na pareho nilang kakilala noong nakaupo ang kuya niyang si Presidente Noynoy Aquino, ay naglabas na lang ang una ng mga kopya at halaga ng binayaran niyang tax.

Kris copy

Para sa kaalaman ni Greta, nangunguna si Kris sa pangangampanya na magbayad ng tamang buwis dahil dito kinukuha ang budget para sa bayan lalo na para sa mahihirap.

Kaya naman hinahangaan ng lahat ang Queen of Online World at Social Media dahil top 8 taxpayer siya noong 2008 at naging number 1 naman noong 2011.

Enrique Gil, tinabangan na nga ba dahil di tumabo sa takilya comeback movie?

Nag-post si Kris ng video sa Instagram (IG) account niya ng mga balita tungkol sa pagbabayad niya ng tamang buwis.

Ang caption ni Kris: “To put things in context: Nilabas ang list ng top individual taxpayers for income earned in 2011, taxes paid in full April 15 up to July 15, 2012 nu’ng income tax season of April 2013, the same time His Highness, the Sultan of Brunei was in the Philippines, for a State Visit. @inquirerdotnet used this photo as their front page banner picture. Kung maniniwala ako sa fairytale, si Princess Intan hindi lang pala sa @crazyrichasians pwede maging royalty. Please chill? That was just super wishful thinking.

“8 years of certified BIR tax payments ang nilabas ko, hindi po para magyabang, pero para magpatunay, na kailanman ay hindi ko magagawang ipagkait sa Pilipinas at sa mga PILIPINO ang karapat-dapat at tamang buwis na dapat kong ibayad.

“P322,098,558.74 in paid taxes over 8 years, and I was already the top 8 taxpayer in 2008, a year before my mom died and 2 years before my brother became president.“This post was simply a statement of easily verifiable BIR tax records. REALITY CHECK. HAPPY SUNDAY EVENING. #lovelovelove.”

-REGGEE BONOAN