TARGET ni Edward “The Ferocious” Kelly ng Team Lakay na maitala ang dominanteng panalo kontra Singaporean star Christian “The Warrior” Lee sa kanilang rematch sa ONE: Eternal Glory sa Enero 19 sa Istora Senayan, Jakarta, Indonesia.

KELLY: ‘Patutumbahin ko siya’.

KELLY: ‘Patutumbahin ko siya’.

Nagharap ang dalawa sa featherweight match nitong Setyembre sa ONE: BEYOND THE HORIZON sa Shanghai, China, ngunit naging madali ang panalo ni Kelly nang idiskwalipiak ng referee si Lee bunsod nang paggamit ng ilegal na suplex.

Ayon kay Kelly, nais niyang manalo sa tamang pamamaraan at hindi sa kontrobersyal na kaganapan tulad nang nangyari sa China.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“I learned that I should never give my back to him and that he will come to attack every second,” pahayag ng 34-anyos na si Kelly.

“I think this fight could go to the judges if I am unable to catch him with a big shot. I feel he is well prepared for my style. We both do not want to lose to each other.”

Inamin ni Kelly na mahusay at malakas ang karibal mula sa Evolve MMA, ngunit sapat ang kanyang karanasan para masawata ang karibal.

“His relentlessness is his strength, but can also be his weakness. I need to pick my shots, maximize my striking, and be careful with his takedowns,” aniya.

“Should the opening present itself. I am definitely going for a knockout,” aniya.