Ang pinakamagagaling na martial artist sa mundo ay magsasama-sama ulit sa pagbubukas ng ONE Championship ngayong 2019 sa ONE: ETERNAL GLORY sa Sabado, Enero 19 sa the Istora Senayan, Jakarta, Indonesia.

Narito ang ilang laban at kasama ang magagaling na atleta mula dito sa Pinas para sa maiden event ng ONE ngayong taon.

1) Joshua Pacio versus Yosute Saruta

Nangunguna sa listahan ang ONE Strawweight World Title clash  sa pagitan nina Joshua “The Passion” Pacio at Yosuke “Tobizaru” Saruta sa main event.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang five-round strawweight match-up ay sakto lamang upang upang umpisahan ang The Home of Martial Arts ngayong taon.

Si Pacio ang kasalukuyang ONE Strawweight World Champion at kilala sa abilidad niyang talunin ang kanyang mga kalaban kung saan nanalo siya ng 11 mula sa 13 niyang laban sa pamamagitan ng TKO o pagpapasuko.

Sa huli niyang pagkapanalo laban kay Yoshitaka Naito at Pongsiri Mitsatit, ipinakita ni Pacio na humusay na siya sa grappling skills pati sa striking.

2) Edward Kelly versus Christian Lee II

Isa sa magagandang laban na kailangang abangan ay ang muling paghaharap ni Edward “The Ferocious” Kelly at Christian Lee

Their first match ended in disappointment after Lee was disqualified following an illegal suplex in the first round, giving Kelly the win.

Ang unang laban nila ay nagtapos nang ma-disqualify si Lee dahil sa illegal suplex sa unang round na naging dahilan ng pagkapanalo ni Kelly.

3) Robin Catalan versus Stefer Rahardian

Kailangan nang mas subaybayan ng mga Pinoy si Robin “Ilonggo” Catalan dahil inaasahan ang pagkakaroon niya ng magandang taon sa world's biggest martial arts organization.

Pero bago ito mangyari, kailangan niya munang matalo si Stefer “The Lion” Rahardian sa harap mismo ng mga tagahanga ni Rahardian sa Jakarta.

Magiging classic striker versus grappler affair ang laban at umaasa si Catalan na mapapataob ng kanyang galing sa Muay Thai ang Indonesian grappling wizard.

Habang kampante si Catalan dahil sa pagkapanalo niya ng dalawang beses sa huling tatlong laban niya, naghahanda naman si Rahardian mayapos matalo sa kanyang huling dalawang laban.