MAY tsansang magkaroon ng depresyon at anxiety ang mga batang may mga magulang na regular na umiinom ng alak, kahit hindi naman sila lango para maikonsiderang “alcoholic”, ayon sa isang pag-aaral.
Sa ginawang obserbasyon ng mga mananaliksik, 52 percent ng mga bata ang may tsansang magkaroon ng anxiety o depresyon, kung ang parehong magulang nila ay regular na nag-iinom, at kung ang mga ama mismo ay may sintomas na ng mental health issues, kaysa mga magulang na hindi umiinom o walang anumang psychological problems.
Ayon pa rito, maaari pa ring maka-“trigger”sa kanilang mga anak ang pag-inom ng mga magulang kahit pa ito ay nasa normal level. Maaaring magkaroon ang mga bata ng anxiety and/or depression sa kanilang paglaki, pahayag ng pangunahing awtor na si Ingunn Olea Lund, ng Norwegian Institute of Public Health sa Oslo.
“This is significant, as the level of alcohol consumption discussed in this study rarely appears to be problematic,” sabi ni Lund.
Ayon sa grupo ni Lund sa JAMA Pediatrics, matagal nang inuugnay ang mental health issues at pag-inom ng alak ng mga magulang, sa pagkakaroon ng psychological problems ng kanilang mga anak, ngunit ang hindi pa malinaw ay kung paano naaapektuhan ang mental health ng mga bata, kahit hindi naman lango sa alak ang kanilang ina o ama.
“We know that parenting practices, which have a very strong influence on a child’s well-being, are definitely affected by alcohol use and mental health problems and these effects can manifest in a number of ways,” lahad ni Linda Richter, ng Center on Addiction sa New York City. Hindi siya kabilang sa grupo ng mga mananaliksik na naglathala sa naturang pag-aaral.
Dagdag pa ni Richter: “They can be obvious, like abuse or neglect of the child, or more subtle like modeling unhealthy behaviors for the child or failing to identify and address early signs of risk for childhood anxiety or depression and addressing it accordingly.
“Alcohol use and mental health problems in adults and children often go hand in hand, as people tend to ‘self-medicate’ their anxiety or depression with alcohol or other addictive substances, especially if they do not have adequate access to professional help due to limited financial resources or education.”
-Reuters