NABIGYAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng R-18 with cuts ang Born Beautiful movie ni Martin del Rosario, na produced ng The Idea First Company. Ibig sabihin, mga aged 18 and above lang ang puwedeng manood ng pelikula, at may mga cuts pa rin ang mga eksenang ipalalabas.

Martin

Kaya naman nagdesisyon ang producers na sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan na bago ang showing ng movie sa January 23 ay ipalalabas muna nila ang full uncensored version nito, sa one-screening only, at UP Cine Adarna sa Diliman, Quezon City, sa Friday, January 18, 7:00 pm.

Sa mga interasadong mapanood ang uncensored version ng Born Beautiful, mag-check lang sa Die Beautiful Facebook page for details. Doon malalaman kung paano puwedeng manood ng movie, dahil limitado lang ang seats ng sinehan.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ang Born Beautiful ay karugtong ng Die Beautiful, na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros, at nagkamit pa siya ng local at international Best Actor award. May special participation siya sa movie, na idinirek ni Perci Intalan. Si Kiko Matos ang katambal dito ni Martin, na hindi tumangging gampanan ang role ng isang transgender.

Unang ginawa ang Born Beautiful for Cignal TV, pero dahil maganda ang material, pumayag sila na ipalabas muna ito sa cinemas nationwide simula nga sa January 23, 2019.

After ng showing nito saka ito ipalalabas sa Cignal TV.

-Nora V. Calderon