Nagsimula nang mag ensayo ang koponan ng San Miguel Beer kahapon, kung saan ipinatawag na rin si Terrence Romeo upang mag report sa practice nito ngayong araw.

terrence

Mismong si San Miguel Beer team manager Gee Abanilla ang siyang nagpahayag na nagsisimula na ang koponan na mag ensayo kasama ang mga bagong miyembro nito.

Makaksama ni Romeo sa kanyang unang training session sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Chris Ross.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Gayunman ay hindi makakasama sa training si Christian Standhardinger gayung pinayagan ito ng management na ituloy pa ang kanyang bakasyon matapos ang kanyang kanyang masalimuot na pagsabak noong nakaraang taon sa Asean Basketball League, San Miguel at sa national team.

Nakuha ng Beermen si Romeo, matapos na I release ng TNT kapalit ni Dave Semerad, Brian Heruela at draft picks

Handang handa na rin naman si Romeo na makipag ensayo sa Beermen gayung sinisimulan na rin nito ang kanyang pansariling training kahit hindi pa man nagsimula ang kanyang practice kasama ang bagong koponan.