Nasa 200 pamilya sa Santiago City, Isabela ang napasaya nitong Pasko, makaraang makinabang sa relief operations ng Fairways Management and Gaming Corporation (FMGC), ang awtorisadong small town lottery (STL) agent ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“We initially planned this as relief operations. Remember, four towns in Isabela Province particularly San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, and Santiago City were hammered down by Typhoon Rosita last October. But due to lack of time, nauwi na sa gift-giving para isahan na lang at para mas masaya ang Pasko ng ating mga kababayan sa Santiago City,” sabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan.

Ang gift-giving ay pinangunahan ng FMGC, sa pakikipagtulungan ng PCSO Isabela, na pinamumunuan ni Yamashita Japinan, at suportado nina Heherson Pambid at Byron Joseph Bumanglag, branch managers ng mga sangay sa Cagayan at Nueva Vizcaya, ayon sa pagkakasunod.
Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu