MAITUTURING na pinakamakulay na taon para sa Philippine Sports Commission (PSC) ang 2018, tampok ang pagbibigay ng parangal sa 10 magigiting na atleta ng kani-kanilang henerasyon sa PSC Hall-of-Fame.

Ramirez

Ramirez

Tampok sa ikatlong edisyon ng Philippine Sports Hall of Fame sina Asian Games Sprint Queen Lydia de Vega, six-time World Champion bowler Paeng Nepomuceno, Lita dela Rosa, Filomeno Codinera, Erbito Salavarria, Loreto Carbonell, Benjamin Arda, Ambrosio Padilla, Josephine dela Vina at si Olivia “Bong” Coo.

Kinilala ang galing ng 10 alamat ng sports bilang pagpapaalala sa bagong henerasyon sa tagumpay ng kanilang mga dating idolo.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Hindi naging madali para sa PSC ang kanilang ginawang pagpili sa nabanggit na atleta, na sinala ng screening committee buhat sa iba’t ibang sector na may kinalaman sa sports mula sa 30 kandidato.

“It was not easy to choose the top 10. We have so many great athletes,” ayon kay PSC chairman William Ramirez.

Naganap ang nasabing Hall of Fame Awards nitong Nobyembre 22 kung saan personal na tinanggap ni Lydia de Vega ang kanyang parangal, na umuwi pa buhat sa Singapore kung saan siya nakabase bilang coach ng junior athletics team.

Bukod kay de Vega, personal din na tinaanggap nina Paeng Nepomuceno , Bong Coo at mga pamilya nina Codinera, Padilla, dela Vina at Carbonell ang kailang mga parangal.

Buong puso naman na tinanggap ni Salavarria ang kanyang parangal, na ayon sa kanya ay isa sa pinakamagandang regalo na kanyang natanggap.

Muling maghahanap ng sampung magigiting na atleta ang PSC sa taong 2020 upang parangalan sa ikaapat na edisyon ng Hall of Fame.

-Annie Abad