HINDI lamang lumaban ang University of the Philippines women’s volleyball team para sa titulo ng unang PSL Collegiate Grand Slam kundi maging para sa hustisya.

NAGDIWANG ang Petron Blaze matapos magapi ang F2 Logistics sa best-of-three title series at makamit ang ikaapat na titulo sa PSL. (RIO DELUVIO)

NAGDIWANG ang Petron Blaze matapos magapi ang F2 Logistics sa best-of-three title series at makamit ang ikaapat na titulo sa PSL. (RIO DELUVIO)

Sa kanilang ginawang pagdiriwang matapos ang kanilang 4-set na panalo kontra University of Santo Tomas Golden Tigresses sa Finals, may mga nakakabit na stickers sa kanilang uniporme na may nakasulat na #JusticeForSirDom na tumutukoy sa napaslang nilang tagapagtaguyod na si Dominic Sytin ng United Auctioneers Inc.

Ang negosyanteng si Sytin ay binaril ng isang di pa nakikilaslang suspek sa loob mismo ng Subic Freeport Zone.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Grabe, sobrang laki ng tulong ni Tito Dom sa amin ng team. So yung championship na ito, pinilit talaga naming kunin. And yun nga, sabi ni coach, the motto today is fight, kasi yun din naman lagi ang sabi ni Tito Dom eh. Okay lang matalo, pero lumalaban,” pahayag ni Tots Carlos.

“So ayun, with the fight that we did today, good results naman.”

Kaugnay ng kanilang pagsisikap na magwagi para maihandog sa kanilang namayapang supporter, nananalangin din ang Lady Maroons na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay nito.

-Marivic Awitan