HABANG nakabitin pa ang career nang mga kasabayang rookie, selyado na ang pagiging milyonaryo ni San Beda star Robert Bolick.

Lumagda na ng dalawang taong kontrata para sa maximum salary sa isang rookie player ang 24-anyos na NCAA champion sa NorthPort Batang Pier kung saan pinili siya bilang overall NO.3 sa ginanap na PBA Rookie Drafting.

Ilan sa mga kasabayan niya ay naghihintay pang mabigyan ng kontrata habang ang ilan ay na-trade ng mga koponang kumuha sa kanila sa draft.

Lumagda ng kontrata si Bolick kasama ang agent na si Marvin Espiritu.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kinumpirma ng Batang Pier management ang pagpirma ni Bolick ng 2-year maximum contract at sa katunayan ipinost pa ni Northport team manager Bonnie Tan sa kanyang social media account ang larawan ng nangyaring contract signing.

“Robert Bolick is a great addition to the NorthPort Batang Pier Team. With his positivity and winning attitude, what he did in his collegiate career is something you can expect he’ll bring into our team,” pahayag ni Tan.

Ang 23-anyos na si Bolick ay bahagi at isa sa mga namuno sa nakaraang tatlong NCAA championships ng San Beda Red Lions.

Minsan na ring pinatunayan ng 6-foot-1 guard ang kanyang kapasidad na maging isang scoring machine matapos umiskor ng 50 puntos sa nakaraang NCAA season.

Inaasahang magiging mainit ang tambalan nila sa backcourt ng Batang Pier ng Gilas Pilipinas standout na si Stanley Pringle.

-Marivic Awitan