LIBRENG inihahandog ng Ballet Manila ang muli nitong pagtatanghal ng Mga Kuwento ni Lola Basyang ngayong Pasko.

Simula bukas, Disyembre 15, tuwing 7:00 ng gabi, ay bubuhayin sa entablado ng Aliw Theater ang tatlong kilalang kuwentong akda ni Severino Reyes. Tatagal hanggang Enero 2, 2019, magkakaroon din ng mga palabas ng 4:00 ng hapon at 9:00 ng gabi sa Pasko at Bagong Taon.

Ang Prinsipe ng Mga Ibon, sa choreography ni Osias Barroso at musical arrangement ni Mon Faustino, ay tungkol sa paghahanap ng tunay na pag-ibig, kung saan nagiging ibon ang isang prinsesa upang makapiling ang kanyang prinsipe.

Ang Labindalawang Masasayang Prinsesa, sa choreography ng artistic director ng Ballet Manila na si Liza Macuja-Elizalde, at sa saliw ng musika ni Arnold Buena, ay tungkol sa 12 prinsesang umaalis sa kanilang palasyo gabi-gabi, at bumabalik na putikan ang mga sapatos—gabay na ipinagtataka ng kanilang dama at amang hari.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Ang Mahiwagang Bituin, gamit ang musika ni Ryan Cayabyab, sa choreography ni Tony Fabella, ay tungkol sa batang si Rodrigo na ginagamit ang kanyang biyulin upang gabayan ang iba para matiyak na magtatagumpay ang kabutihan laban sa kasamaan.

Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ay libreng handog sa mga bisita ng Star City ngayong Christmas season