HINDI lahat ay natuwa sa tattoo ni Aiko Melendez ng pangalan ng boyfriend niyang si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun. Parang nasa left wrist ni Aiko ang tattoo na nang i-post niya ito at nilagyan ng caption na: “I have a feeling that Im going to love you for a long time @jaykhonghun.”

Aiko

Matchy tattoo daw ‘yun. Ibig sabihin, may tattoo rin si Mayor Jay na for sure, pangalan naman ni Aiko.

Dito may mga nag-react, para raw teenager sina Aiko at BF nito sa kanilang ginawa. But knowing Aiko, wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa tanong kung first tattoo ni Aiko ‘yun, sumagot siya na may nauna na siyang apat na tattoo. Hindi pa nakikita ng marami ang mga naunang tattoo ni Aiko at hindi alam, kaya may reaction.

Nag-comment si Mayor Jay ng “Awww! Ang Sweet Baby @aikomelendez... I love you too.”

Sinagot ito ni Aiko: “@yaykhonghun ako lang daw ang nagmamahal, ‘di nila alam terno tayo.”

Samantala, mayor ang role ni Aiko sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Rainbow’s Sunset, at nabanggit niya sa presscon na humingi siya ng tips mismo kay Mayor Jay kung paano kumilos at magsalita ang isang mayor.

-Nitz Miralles