ISA sa mga celebrity couples na walang pre-nuptial agreements ay si Chito Miranda, ng bandang Parokya ni Edgar, at ang dating aktres na si Neri Naig.

Chito at Neri

Pagdating sa kanyang financial set-up with Neri, Chito shared that even though they are already married, they still make their own money and save their earnings separately.

“Bilang mag-asawa, hati kami sa lahat. Pero naniniwala kami na mas maganda na may kanya-kanya kaming mga business at income. ‘Yung mga business ni Neri, sa kanya lang ‘yan at wala akong kinalaman dun. Ako din naman may mga business at ‘di rin sya nakikialam,” Chito posted on Instagram after a netizen asked Neri why the latter was having her own savings.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sinabi pa ni Chito na kahit meron silang joint properties, they also purchase separately.

“May mga properties din kami at hati kami sa mga ‘yun. Pero kung siya bumili sa lupa, siya bahala kung ano trip niya gawin sa lupa, at ganun din sa mga properties na binili ko, bahala ako kung ano trip ko gawin sa property. Kung gusto ko ibenta, ibebenta ko. Kung gusto niya tayuan ng building ‘yung lupa niya, siya bahala,” Chito stated.

Ayon pa sa Parokya ni Edgar front man ,bilang mag-asawa, they believe that it is important that each of them make their own money and savings.

“Naniniwala din kami na maganda ‘yung may sarili siyang pera at ipon at business para kung may gusto siyang bilhin, kahit ano pa ‘yun, ‘di niya kailangan humingi ng pera.

“Pero siyempre bilang lalaki, mas gusto ko na sagot ko lahat ng gastos pagdating sa bahay. Siyempre ako dapat ang provider pero bilang mag-asawa suportahan at tulungan kami sa mga projects namin,” paliwanag pa ni Chito.

-Ador V. Saluta