IBA ang saya at fulfilment ni Kim Chiu sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Regal Entertainment na One Great Love dahil may naging input siya sa paggawa ng pelikula. May mga suggestion siya na pinakinggan ni Direk Eric Quizon na ginawa sa movie. Pati ang theme song ay pinili ni Kim at nagustuhan din ng direktor.
Ang Dating Tayo, na kinanta ni TJ Monterde, ang theme song ng pelikula.
“Sobra akong happy na na-appreciate nila ang comments ko at first time nangyari ito. Puwede pala akong pakinggan, kaya ang sarap ng pakiramdam.
“Ma s l a l o a k o n g excited na mapanood ang outcome ng movie namin at excited din ako sa magiging feedback ng moviegoers,” kuwento ni Kim.
F i r s t t ime ni Kim to work with Direk Eric, na puring-puri siya dahil very professional, real trouper at dito inilabas ni Kim kung ano pa ang kaya niyang ibigay sa acting.
“First time ko rin to work with Dennis Trillo and I’m very honored to work with him. Magaling siya, sobrang tahimik lang, pero iba siya ‘pag umaarte na. Ang husay!
“Si JC (de Vera), ngayon ko rin lang nakasama at walang problema, walang aberya ang mga eksena namin. Mahusay din siya,” patuloy ni Kim.
Pag-uusapan sa One Great Love ang three love scenes ni Kim, lalo na ang bathtub scenes nila ni JC. Tsika ni Direk Erik, every time natatapos ang shooting ng love scene ni Kim kina JC at Dennis, naririnig niyang sumisigaw si Kim. ‘Yung klase ng sigaw na natutuwa na nagawa nang tama ang eksena.
Sa December 25 na ang showing ng One Great Love, na 95 percent kinunan sa Tagaytay, kaya hindi lang makikita ang ganda ng lugar, mararamdaman din ang lamig ng klima roon sa magagaling na shots.
-NITZ MIRALLES