Lakers, Spurs at Sixers, martini ang hirit

LOS ANGELES (AP) — Tatlong quarter lamang ang kinailangang lakas nina Kyle Kuzma at LeBron James ng Los Angeles Lakers para palubugin ang Phoenix Suns.

FACE OFF! Napasigaw si Devin Booker ng Phoenix nang harangan ng depensa ni Josh Hart ng Los Angeles Lakers sa kaagahan ng kanilang laro nitong Lunes. Hindi natapos ni Booker ang laro bunsod nang panibagong iniindang injury. (AP)

FACE OFF! Napasigaw si Devin Booker ng Phoenix nang harangan ng depensa ni Josh Hart ng Los Angeles Lakers sa kaagahan ng kanilang laro nitong Lunes. Hindi natapos ni Booker ang laro bunsod nang panibagong iniindang injury. (AP)

Nagsalansan si Kuzma ng 23 puntos at kumubra si LeBron James ng 22 puntos at nag-siesta na lamang sa final period sa ikatlong home victory ng Lakers sa loob ng apat na araw nang pabagsakin ang Suns, 120-96, nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nag-ambag si Brandon Ingram ng 15 puntos, habang tumipa si JaVale McGee ng 14 puntos at walong rebounds para sa Lakeres, nagwagi ng 12 sa huling 16 laro matapos ang malamyang simula (2-5) sa unang season ni James sa West Coast.

Kumubra rin si Michael Beasley ng season-high 14 puntos sa Lakers, naghabol ng 17 puntos sa first quarter, bago tuluyang itinumba ang Phoenix.

Nanguna sina Richaun Holmes na may 15 puntos at umiskor sina Josh Jackson at Trevor Ariza ng tig-13 puntos para sa Suns, nabigo sa ikalimang sunod na laro (4-19).

Nalimitahan ang No. 1 overall pick na si Deandre Ayton sa 10 puntos at 10 rebounds para sa Suns.

SPURS 131, BLAZERS 118

Sa San Antonio, naitala ni DeMar DeRozan ang season-high 36 puntos para sandigan ang ang Spurs kontra Portland Trail Blazers at putulin ang nakakawindang na two-game losing skid.

Masinsin na nagensayo ang Spurs nitong Sabado matrapos ang magkasunod na lopsided loss – 39 at 31 puntos – ang matikas na bumawi ang Spurs sa pagkakataong ito.

Nag-ambag si LaMarcus Aldridge ng 29 puntos at kumana si Rudy Gay ng 18 puntos para tuldukan ang two-game skid ng Spurs.

Kumana si Lillard ng 37 puntos para sa Portland, at tumipa si C.J. McCollum ng 24 puntos. Napantayan naman ni Al-Farouq Aminu ang season high 20 puntos.

MAVS 114, CLIPPERS 110

Sa Dallas, hataw si Harrison Barnes sa naiskor na 30 puntos, at naisalpak ni Dorian Finney-Smith ang tipped in sa rebound sa huling 25 segundo para sandigan ang Mavericks laban sa Los Angeles Clippers.

Umarya rin si Mavericks center DeAndre Jordan sa nahugot na 16 puntos at 23 rebounds laban sa dating koponan.

Umabante ang Clippers sa 110-109 mula sa three-pointer ni Lou Williams may 46.9 segundo ang nalalabi. Sa opensa ng Mavs, sinagasa ni Barnes ang depensa ng Clippers, ngunit mintis ang kanyang tira – ngunit nakasingit sa rebound si Finney-Smith para sa tip-in.

Sa sumunod na play, naagaw ni Jordan ang bola kay Williams at naibuslo ang isa sa dalawang free throw para sa 112-110 may 27.3 segundo ang nalalabi. Nagawang mapigilan ni Dennis Smith Jr. ang tira ni Tobias Harris para masiguro ang panalo mula sa dalawang free throw may 9.2 segundo sa laro.

Kumana si Montrezl Harrell ng 23 puntos para sa Clippers, habang nakatipa sina Danilo Gallinari at Williams ng tig-21 puntos.

SIXERS 103, GRIZZLIES 95

Sa Philadelphia, patuloy ang pagiging scoring leader ni Jimmy Butler sa Sixers sa naiskor na 21 puntos sa panalo kontra Memphis Grizzlies.

Naipanalo ni Butler sa game-winning shots ang Sixers laban sa Charlotte at Brooklyn sa loob ng walong araw at hindi naiiba ang panalo laban sa Memphis.

Nag-ambag si Ben Simmons ng 19 puntos at 12 rebounds sa Sixers.

Sa iba pang resulta, tinupok ng Miami Heat ang Utah Jazz, 102-100; at tinuka ng New Orleans Pelicans ang Charlotte Hornets, 119-109.