DETROIT (AP) — Balik aksiyon na si Stephen Curry, ngunit walang red carpet na inilatag ang Pistons para salubugin ang two-time MVP.

Hataw si Blake Griffin sa naiskor na 26 puntos, habang kumubra si Andre Drummond ng 16 puntos at 19 rebounds para itarak ng Detroit Pistons ang 111-102 panalo kontra sa Golden State Warriors nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nahila ng Pistons ang winning streak sa limang laro, habang natamo ng Warriors ang ikalawang sunod na kabiguan.

Nagbalik si Curry matapos magmintis sa 11 laro ng Golden State bunsod ‘groin strain’ at nakaiskor ng 27 puntos mula sa 10-of-21 shooting. Naisalpak din niya ang 3 of 9 sa three-point shot.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si Kevin Durant ng 28 puntos, habang tumipa si Klay Thompson ng 21 puntos.

Umabante ang Detroit sa pinakamalaking 11 puntos sa 54-46 sa halftime.

RAPTORS 106, CAVALIERS 95

Sa Cleveland, nahila ng Toronto Raptors ang winning streak sa walo sa kabila nang pagkawala sa injury ni All-star guard Kyle Lowry.

Rat sada si Kawhi Leonard sa nakubrang 34 puntos, habang humugot si Fred VanVleet ng 15 puntos para sa sandigan ang Raptors laban sa Cleveland Cavaliers.

Tumipa sina Danny Green at Pascal Siakam ng tig-15 puntos para maiangat ang Raptors sa NBA’s best record 20-4.

Nagmintis lumaro s i Lowry s a unang pagkakataon ngayong season bunsod nang injury sa likod. Ayon kay Raptors coach Nick Nurse, hindi pa nila sinusukat ang kalubhaan ng naturang injury.

Nanguna si Jordan Clarkson sa Cavs na may 18 puntos, habang kumana si Tristan Thompson ng 18 puntos at 19 rebounds para sa Cav (4-18).

ROCKETS 121,

BULLS 105

Sa Houston, nagbuslo si James Harden ng anim na three-pointers para sa kabuuang 30 puntos sa dominanteng panalo ng Houston Rockets at kunin ang ikalawang sunod na panalo.

Nakamit ng Rockets ang ikalawang sunod na panalo panalo para tuldukan ang season-high four game skid, 136-105, kontra San Antonio.

Nanguna sa Bulls si Zach LaVine na may 29 puntos, habang umiskor si Lauri Markkanen ng 10 puntos at apat na rebounds ngayong season.

Nag-ambag si Clint Capela ng 18 puntops at 15 rebounds para sa Houston at kumubra si Chris Paul ng 12 puntos.

WIZARDS 102, NETS 88

S a W a s h i n g t o n , nagsalansan si John Wall sa naiskor na 30 puntos, habang humugot si Bradley Beal ng 22 puntos sa panalo ng Washington Wizards kontra Brooklyn.

Hataw din si Markieff Morris sa naiskor na 20 puntos.

Umabante si Allen Crabbe ng 14 puntos para sa Brooklyn.

BOSTON 118,

WOLVES 109

S a M i n n e a p o l i s , naitumpok ni Gordon Hayward ang season-high 30 puntos, siyam na rebounds at walong assists, para gabayan ang Boston Celtics kontra Timberwolves, aty sa ikaapat na sunod na panalo.

Mula sa pagiging bench role bunsod ng injury na natamo sa nakalipas na linggo, nanguna si Hayward sa tirada ng Celtics. Nag-abanga sina Kyrie Irving at Jayson Tatum ang 19 points at siyam na rebounds, habang kumana si Marcus Morris ng 16 puntos.

Sa iba pang mga resulta, naungusan ng New York Knicks ang Milwaukee Bucks sa overtime, 136-134; nagwagi ang Los Angeles Lakers sa Dallas Mavericks, 114-103, tinalo ng Memphis ang Brooklyn Nets, 131- 125.